September 14, 2005

kalayaan

Hindi mo ako maikakahon
Huwag mo nang subukan
Ako ay ako
Ako iyan
Ako ito
Lahat ako
Tanggapin mo na lang na ganito

Takot kayo sa di matanto
Kaya ganito ang trato mo
Minamaliit
Sinisiraan
Masama daw at loko-loko
Huwag naman
Di lang ikaw ako

May sungay sa ulo
Pero matulungin ang puso
Kaya kong manggulo
Kaya din magpakasanto
Madaming mukha
Pero lahat totoo

May lalim ang salita
Mababaw ang kaligayahan
Ayoko sa pulitiko
Pero ako pa rin ay makabayan
Organisado sa trabaho
Malaya naman na musikero

Diyos lang nakaaalam
Hanggang saan ang kaya
Hinding hindi sasabihin
Na hanggang dito lang ako
Hindi magpapapigil
Malayo pa maabot ko