July 19, 2005

Pagmumunimuni sa klase ni Pareng Bulatao,S.J.

Usok na mainit
Matapang na amoy
Kapeng barako

Pawiin ang lamig
Pati na ang antok
Buhayin ang isip

Bumubuhos sa bibig
Umaagos sa dibdib
Sikmura'y nananabik

Padating na ang dilim
Sagipin mo ako
Bago mawala na rito

Tara'y lumipad
Tumalon at kumanta
Iwanan ang katawan

Balik-alis
Lahat na'y sinusubukan
Wala kasing kape