Walang exaj. Katulad talaga siya nung song ng Eraserheads.
Eatery siya (which makes it a step higher than a carinderia)sa harap ng boarding house ko. Halos lahat ng meals ko dun ako kumakain kasi wala nang ibang makakainan sa vicinity. OK lang ang pagkain. P40 lang, busog na busog na ako. Nakakuwentuhan ko din si Aling Nena. OK din siya. Pero hindi dahil dito kaya enjoy ako kumain dun.
Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. Hindi ko nga sigurado ang relation niya kay Aling Nena. Ang sure ko lang ay dun din siya nakatira.
Naalala ko nung una ko siyang makita. Medyo mestiza, konting singkit, slim, at mahugis. Nakasuot pa siya ng shirt na mukhang daster (There's just something about a cute probinsyana in a daster that does it for me). Naaalala ko yun mga unang sinabi niya sa akin, "Sir, mag-isa lang kayo?" (Me: Oo) "Taga saan kayo?" (Me: Sa Maynila). Para siyang na-surprise sa sinabi ko (surprised with a pigil na smile). Ngumiti lang ako, nagpasalamat sa pagkain, at nag-exit.
Haaay.
------
Para talaga akong nasa pelikula (at sana, R18) =P