August 15, 2005

mourning after

I stare at my shadow
For my back is to the sun
The brighter it shines
The darker the figure infront of me becomes

Why does it cling to my feet
Why can I not escape it
Except in the few seconds when I leap
Or when I hide from the light

I forget an important truth
As I stand mesmerized by this black ghost
It is but a mere speck
On a luminous canvas

I wave and it waves with me
But it does not sing as I can
Voiceless copy of myself
My soulless reflection

My shadow stares back at me
It's face toward the sun
The brighter it shines
The darker I become

August 12, 2005

the lost boy snapshots

The lost boy snapshots features some of the people and places that I was lucky to come upon in the past few years. I don't have a digicam, so all these pictures were taken with my trusty low-tech Kodak KB100. I think there's something to be said about photographs taken with a manual reset camera. It makes me feel a bit more connected to the photos. I'm not sure why...


the lost boy snapshots

the lost boy snapshots

the lost boy snapshots

the lost boy snapshots

the lost boy snapshots

August 04, 2005

Pagbabalik sa Maporak

Click for more pictures of Sitio Maporak












Nasanay na akong madalas bumabalik sa Maporak. Ngayong taon na ito hindi pa ako nakakabalik. Namimiss ko na ang mga tao dun, lalo na ang Nanay at Tatay ko.

May immersion nung weekend sa Maporak pero hindi ako nakasama. Nakapanghihinayang. Nag-email si Kuya Ubit para ikuwento ang muling pagbalik niya sa minamahal naming erya:

"prends...

finally... after sometime... nakablik din ako sa maporak na may dalang mga estudyante. nakakapanibago. pero masaya. at malungkot din.

mataas ang ilog. lagpas bawyang. di kme nakatawid. umikot kame at naglakad papasok ng komunidad. tinanggap kme ng lahar, ng mga puno, baka, bamboo, at makulimlim na ulap.

wala ang mga nanay/tatay... wala si chieftain (may malungkot na istorya mamaya kay chief). si ate tess ang sumalubong sa amin.

umulan buong araw ng biyernes. sarap ng amoy ng basang lupa. ang sarap madinig ng tunog ng ulan sa dahon ng kogon. ang sarap madinig ng daloy ng sapa habang nakahiga sa papag ni tatay hari.

nakakatuwa dahil buong araw naman ng sabado ay umaraw. umakyat kme ng bundok. naglinis ng pananim. naligo sa ilog (sobrang ganda ng ilog...) nagpulong ng hapon at nag-community night nung gabi. masayang muling madinig muli ang mga kwento at tawanan nila nanay/tatay.masayang makipaghabulan muli sa mga bata. nakakatuwang tumingala at matunghayan ang libo-libong bituin habang maingay ang mga kuliglig at palaka.matapos ang lahat... nakakabingin katahimikan.

linggo. nag-processing kami sa school. nag-suri. nag-nilay. katorse sila. ang ilan nag-tanong. ang ilan lumuha. ang ilan tumawa. ang ilan nagbigay ng hamon.

(naalala ko ang unang batch... sila egg, ron, pam, petite, tonich, ian. kung paano kme nagsimula. kung paano kme nangarap. tinignan ko ang batch ngayon. pareho. takot ngunit may kaunting kagustuhan. kelangan lang hamunin. kelangan sabayan).

isasama ko ang katorse (1 lang ang lalake at 13 ang babae - bagay na alam kong ikatutuwa ni Ron, hehe) sa e-groups pagkatpos nito. sana... alam na.

pag-alis namin... tulad ng dati.. bumaha sa maporak... hirap magpaalamanan. ayaw maghiwalay. "balik kayo ate, kuya" may mga luha sa mata. nasanay na ata sila na halos lahat ng pumupunta ay nakakabalik. gulat din naman ang mga estudyante ng malamang may nakakabalik nga... hamon ulit sa kanila.

sa kabuuan naging ligtas, makabuluhan at masaya ang byahe sa Maporak.

sa isang banda, ang komunidad walang pagbabago. may 7 bahay na namay kuryente. hindi na dawa tumatakbo ang literacy natin. dami pa ring may sakit. wala paring magandang balita sa CADC. si nanay marina at nanay imbut (nanay nila eggie at petite) ay namasukang "kasambahay". si chief ay na-stroke kaya hirap na siyang magsalita. si nanay nida (asawa ni chief) ay na-operahan dahil may cist siya sa dibdib. ang maraming tatay ay nasa bundok pa rin. ang ilan ay nakikitanim (upahan).

kinukumusta nila kayo lahat...

yun lang po. mag-email lang kung may mga tanong at reaksyon. sa susunod nating pagkikita...

kuya ubit"


May parte ng sarili ko na nahahanap ko lamang at naiiwan ko palagi sa Maporak. Ewan ko kung ano. Kaya siguro ako balik ng balik doon.

Nararamdaman ko na nag-uumpisa nanaman ako mawala. Kailangan ko na yatang bumalik.